Sino Si Kim Sioco?

Si Kim Sioco ay isang maganda at matalinong ambisyosa. Minsan, nagtataka siya kung bakit ba walang taong kasing ganda niya.

Ambisyosa talaga.

Anyway, sumpungin siya pagdating sa pagsusulat. Tipo bang pag inabutan ng kaartehan, kailangan pa ng inspirasyon. Ang masama nga lang nito, kung kelan niya kailangan magsulat, saka siya walang maisulat. Pero pagdating sa kalokohan, ang dami niyang nasusulat. (So alam na! Mula sa kalokohan tong malokong blog na to.)

Papaano ba nagumpisa tong blog na to? simple lang. Habang nagbabasa si Kim ng isang blog sa wikang ingles, bigla siyang nakornihan sa Joke nito at naisip na mas magaganda nga ang mga punchlines ng Jokes kung tagalog at siyempre, kung pilipino ang babasa. Sa kasalukuyan, natutuwa naman siya sa kinalabasan ng Stats, at taos-puso siyang nagpapasalamat sa mga taong masugid na binabasa at sinusubaybayan ang mga post niya sa blog na to.