Lahat ng Tao'y may karapatang magbago at maging masaya. Dalawang taon narin ako nahinto sa pagsusulat dito sa blogger account ko. At sa loob ng dalawang taon na 'yon, marami nang nangyari. Maraming dumating, at marami ding umalis.
Hindi ko alam kung papaano 'to uumpisahan, pero kung mapapansin niyo, binura ko na ang 48 posts na meron 'tong blog na 'to. Ang meron nalang, itong post ko ng pamamaalam.
Wag na tayo magululan, iwasan na natin ang pagiging sentimental. Sa loob ng dalawang taon, nakabuo ako ng isa pang bersyon ng katauhan ko. Kumbaga, Kim Version 2.0 (Jellybean) *biro lang yung Jellybean* haha!
At ngayon, bukod sa maliit pa din ako, hindi na ako yung dating Kim na mapagkunwari, 'yung Kim na laging ipipilit 'yung gusto niya dahil tingin niya 'yun LANG ang tama. 'Yung Kim na laging tumitingin sa kung anong hinaharap sa kanya at hindi sa kung ano ang tinatago. Hindi na ako ang Kim na 'yon, ngunit masaya ako dahil naging katauhan ko siya. Kung walang Kim Version 1.0, Wala ding Kim version 2.0, diba?
Pero hindi 'to tungkol kay Kim version 2.0. Tungkol 'to sa mga masugid kong tagasubaybay sa blog na 'to.
MARAMING SALAMAT! Salamat dahil pinagtiisan niyong basahin ang mga posts mula sa blog na 'to. Salamat sa 3,000+ views, Salamat sa Shares, sa Likes, sa pag ko-comment kahit anonymous. Salamat sa lahat lahat. Hindi niyo alam kung gaano kataba ang puso ko ngayon sa pagpapasalamat.
At Ngayong tuluyan ko na ngang itatago si Kim Version 1.0, sana'y lagi niyo paring suportahan ang bagong ako. Kahit pa hindi niyo na nababasa ang mga posts ko at hindi niyo man ako personal na kakilala. Bilang kapalit, wala akong ibang hihilingin para sa inyo kundi ang maging masaya sa lahat ng bagay.
Dahil lagi niyong tatandaan, aking mga mambabasa, na walang binatbat ang kahit na anong problema sa taong laging nakikita ang positibo sa lahat ng bagay at laging masaya.
Maraming Salamat ulit!
Hanggang sa muli.
Nagmamahal,
Kimberly Jane Favila Sioco
Monday, July 15, 2013
Subscribe to:
Posts (Atom)